SAKSAK-SINAGOL: Joke time part 2

Search

Joke time part 2

Posted by Meh | 7:59 PM | | 0 comments »

Host: What "N" (narra) is the national
tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice)
NIYOG!!!


Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si
Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula
ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali,
"R.P." ang initials ng modern name nito
(Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa
rin yun!)


Host: Saan"B"(beach)tayo madalas pumunta
pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi,pag pumunta ka doon,maaarawan
ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong
mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!


Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag
sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay
nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan
ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safe guard?
Host: Hindi,! pagsama hin mo yung dalawang
sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang
kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!


Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit
na flotation device sa dagat upang hindi
ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?


Host: What "S" (Sampaguita) is the national
flower of the Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stor k?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin.It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues
at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng
bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos
sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat
na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!


Host: Sino ang kauna-unahang Chess
Grandmaster(Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA
Host: Hindi pa rin. Mas maba! ba sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat
ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang
piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!


Host: Sino ang national hero na naka-picture
sa 500 Peso bill? Clue:may initials na N.A.
(Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end
sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO?? PATAY NA SI NORA AUNOR???


Host: What "K" (kalabaw) is the national
animal of the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde, clue: It tills the land.
Contestant: Kutong Lupa! (Bweset!)


Technorati Tags: ,

Tags created with Ukion Tag Generator

Bookmark and Share

0 comments

Post a Comment