Bakit marami ang tumataya ng lotto? Sa hirap pa naman ng buhay ngayon, halos lahat yata ng tao dito sa Pinas gustong maging milyonaryo. Ang haba-haba ng pila lalo na kung malaki na ang jackpot. Mas mahaba pa yata pila sa mga lotto outlets kay sa pila ng mga taong nangungumpisal. :)
Halos lahat ng taong nakabili ng ticket sa lotto ay nagdarasal na sana mananalo sila, di ba? Eh, kahit si Lord kaya naguguluhan kung sino pipiliin nya para manalo, eh. Ang hirap talaga ng role ni Lord.
Kasi marami sa mga pinoy ay mahilig sa sinasabing, "Instant gratification". Yon bang gusto sa isang iglap may 1 million sa harapan. Naging mahilig na rin karamihan sa atin sa instant noodle, instant coffee, instant girlfriend, instant boyfriend at instant yaman.
No wonder, ang may-ari ng mga lotto outlets hindi talaga mauubusan ng customers. May ibang tayador nga mas malaki pa ang budget sa lotto kay sa budget sa para sa pamilya. Ang pang-tuition ay sa lotto napupunta. Kaya walang na-iipon. Tsk tsk tsk...
Technorati Tags: lotto, lottery, lotto sa pinas, pcso, ELIS, lotto results, pcso lotto
Tags created with Ukion Tag Generator
0 comments
Post a Comment